Monday, May 27, 2013

Double D

Ang ganda ng gising kanina. Punong-puno ng pag-asa at paniniwala na magiging ok ang lahat. Bigla na naman akong dinalaw ng kalungkutan. Tatlong araw na lang at wala na ako sa aking unang trabaho. Ang trabaho na nagbigay sa akin ng mga pagkakataon na di ko naman inaasahan. Mainit pero malamig yan ang nararamdaman ko. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko. Di tumawag ang agency. Arogante ata ako sa paningin nila. Mukang di tuloy ang Saudi. Sabagay humingi ako ng sign, ito ata ang binigay niya. Namimiss ko pa siya. Busy sya sa trabaho, walang signal samantalang ako nag-aabang sa paisa-isang message. Ang lamig, sobrang lamig. Kung hindi ako matutuloy tengga lang ako sa bahay. Feu na lang natira sa akin bukod pa dun wala ng iba. Bahala na si Batman. Yan naman lagi sinasabi ko pag ganito nararamdaman ko. Naniniwala ako na may maganda siyang plano para sa akin. Patawarin Nyo po ako kung may mali man sa desisyon ko alam ko pong mauunawaan nyo ako. Gusto ko lang naman na may someone na anjan para sa akin yung makakasama ko hanggang pagtanda ko. Pero iba talaga ang ihip ng hangin. Guato ko maramdaman ulit yung naramdaman ko last May pero di ko maramdaman. Dapat araw na lang hihintayin ko para makita ko na siya pero nagbago lahat sa isang iglap. Iba talaga ang pagkakataon makipaglaro. Susubukan ka talaga kung hanggang saan ka. Di naman masama malungkot diba? Pakiramdam ko tuloy, wala lang. Minsan nga gusto ko na lang humiga kaso di naman lalapit ang grasya kung wala akong gagawin. Sana tumawag yung employer sa akin para magkaroon ako ng pag-asa, pero sabi ko nga kung ano ang kaloob Niya susundin ko. Alisin nyo po ang lungkot alam ko po na ngiti ang kapalit nito. Alam kong di Nyo ako pababayaan. At di man magsalita ang mga labi ko alam ko pong alam nyo ang laman nito. Kakain na muna ako blogspot!

Saturday, May 18, 2013

Wala na.

Napakalungkot na gawain ang pagsusulat. Ang pagsusulat ay laging pag-iisa. Genaro Gojo Cruz-

Balik sa dati, ewan ko bakit wala akong maramdaman. O talagang di pa nagsisink in sa utak ko ang mga nangyari. Papalitan ko na naman ang blog ko, di ngayon pero baka bukas o sa susunod na panahon. Di pa hinog, bata pa talaga. Di napaghawakan ang mga dapat hawakan. Lord, inaamin ko po ang pagkakamali ko. Muli humihingi ako ng lakas ng loob na harapin ang bagong pagsubok sa buhay. Mahirap to Lord pero alam ko d mo ako bibigyan ng pagsubok na d ko kakayanin. Di ko alam bakit ganun ang nangyari dahil sa damdamin na iyon ay nasira na aang lahat. Tulungan nyo po akong tumahimik sa panahon na maingay. Turuan nyo akong makinig kapag kailangan kong maikinig. Ililihis ko ang kwento, ang mahalaga makapagsulat ako. Ayoko na naman maging unfair. Lagi dalawa ang kwento. Kwento mo at kwento ko. Nasasaktan lang ako d ko mapagtanggol sarili ko. Yun lang. dapat fair. Makatulog na nga lang. Wala na celebration.

Sunday, May 12, 2013

May 12

Holla! Kakagulat ang tagal ko na palang di nagsulat. So matagal din ba akong naging masaya? hehe! Nagusulat nga lang bang ako tuwing naglulungkot lang ako. Ito ang una kong minahal nung mag-isa ako pero ngayon mukhang babalik na naman ako. Actually di pa malinaw sa akin kung anong topic ko ngayon. Anything goes. Masarap sa tenga ko ung acoustic version ni Bieber na Believe. Baduy sa iba pero sa akin hindi. I dont care nafefeel ko kanta nya. Nakikita ko sarili ko sa mga lyrics na meron sya. Di pa masyado tumatalab ung pain. Mararamdaman ko lang yan soon. Nakakakapit pa ako pero dapat na akong bumitaw kayang pagbitaw niya. Sabi ko na after ng masayang meron ako may kapalit. Pagsubok na naman hehe! Naku naman tinatawanan ko lang pero natatakot akong harapin na naman parang injection na pilit kong pinipikit ang aking mga mata at huminga nang malalim para di ko maramdaman ang pain. After nito gagawa ako ng bago kong blog. Di ko po alam saang site, maghahanap ako. Ayoko na balikan ang mga kwentong naiwan ko dito. Karamihan masasakit kala ko tuloy-tuloy na masaya pero babalik ap rin pala ako sa dati,

Naluluha na naman ako, nilalamig na naman ako Sign na ba to na panahon na naman ng tag-ulan. Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa pero ito ang una kong naisip magsulat. Panay punas sa paisa-isang patak ng aking luha. D ko inieexpect alam mo ung konti na lang ayun na biglang dundundundun! Oh okey, ay, o? OMG! pgsgshshss ina. Ooops Happy Mothers Day sa lahat ng mga nanay! Matatagalan pa ata na mahanap ko yung magiging mother ng aking anak lol. 9:54 sa orasan wala pa rin ako kandidato di ko alam kung paano ko sila pipiliin. Di ko talaga alam pero okay lang. Kailangan kong maging strong, andito na ako noon eh ito na naman ako. D na ako natututo, tang-inang pag-ibig yan ibang ligaya ang nabibigay ibang sakit din ang hatid. 

Yung akalang mo na di ka ipagpapalit sa kahit anong amount, ay mali pala. Bakit ba di na lang yumaman lahat ng tao para wala ng aalis wala ng maiiwan. D naman pala pwede un laging may kabaligtaran ang buhay Masaya, malungkot, taas, baba, left, right. etc.

Kung saan man mapadpad ang pagtatype ko bahala na. Mahalaga nasabi ko na. Nilaban ko na ang dapat kong ilaban. Ginawa ko na ang best ko parang maging si Yuan, para mahalin ang tao na yun. Magiging bestfriend ko na naman ang mall, ang pakikinig ng musika, ang paglilibang mag-isa ang panonood ng sine mag isa ang pagtulog nang mas mahaba ang pagkilos na ako lang mag-isa.

10:00 tang-inang oras na naman yan. May ihahate na naman ba akong oras, lugar at mga alaala na kailangang mawala sa sistema ko. Salamat sa pagsira naiiyak na naman ako mamaya na ulit.

Nagmamahal,
Tunay at Totoo-