Thursday, March 24, 2011

Spot Massage-

Hindi ko alam ngunit nalulungkot ako. Ilang araw na lang at iiwan ko na ang una kong minahal. Sa totoo lang hirap sa akin ang magmove on. Desisyon ko ito kaya kailangan kong panindigan. Nahihirapan ako at gusto ko sanang maiyak kaso wala namang dahilan para umiyak. Bukas ay magtatapos na ang una at huling batch na hinawakan ko. At sa susunod na linggo ay iiwanan ko na ang una kong minahal. Alam ko na may dahil ang lahat kung bakit ako nagdesisyon na magtungo doo. Bahala na kung totoo man yung sinasabi nila tungkol sa mga tao roon. Makikisama na lang ako. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon sa totoo lang may kinaiinisan akong tao, binabastos niya ako kahit wala akong ginawa sa kanya. Ilang ulit iyon, di niya ata nahahalata. Nasasaktan din ako kasi yung inaakala mong kaibigan talikuran tinitira ka. Wala naman perpekto, lahat nagkakamali ngunit minsan ang ibang tao kung makahusga ay di muna nila tingnan ang sarili nila sa salamin. Mayroon naman ginagalang ng lahat kaso kung minsan hindi marunong gumalang. Lalaitin ka, dudustahin ka. Para bang siya na ang pinakamataas na tao na dapat mong pakisamahan. Dalawa lang ang mata ko ngunit mas malakas pa rin ang instinct ko. Madalas tama iyon. Ang lahat ng nangyari sa akin ngayon ay inaalay ko po sa inyo. Ang mga pangit ay babaguhin, ang mga mali ay itatama at lalo ko pong pagbubutihin ang mayroon ako. Salamat sa Iyo, sa dalawang taong karanasang minsan ay mapait, masakit ngunit mas nangibabaw naman ang masaya. Kayo na ang bahala sa akin.

Sunday, March 13, 2011

Para sa mga tao.

Puro ka salita, naiinggit ka ba?
Masyadong madulas ang dila
Nagpapasikat ata?
Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;
Practice what you preach di ba?
Bakit tila maskara mo'y paiba-iba?
Wag mong hamunin ang dulas ng aking dila
Dahil sa pagsusulat, lalaspatanganin kita
Hindi kita boss at hindi mo ako alila
Para magmataas ka at magfeeling bida
Patunayan mo muna bago ka magsalita
Tumapat ka muna kung nais mong makilala
Nirerespesto kita, ngunit kapwa mo'y ginagalang mo ba?
Ngunit sa totoo'y palihim mong dinudusta-dusta
Sa mundo na puro mga halimaw
Ang tanging paraan, para mabuhay
Maging matatag at may paninindigan
Ngunit dapat kahit papaano'y pakikipalaro'y dapat mong matutuhan
Batu-bato sa langit, tamaan wag magalit
Kung sapul ka mas mainam na manahimik na lamang

Saturday, March 12, 2011

Tuliro-

May pahiwatig ang sinasabi na paskil na iyon. Ngunit masama ba na kung minsan ay umalis ka naman na sinasabi na comfort zone mo. Sa totoo lang una kong minahal ang ang pagtuturo ng Panitikan. Baka nga kahit nakapikit na ako ay maalala ko ang mga kabanata ng Noli at Fili ni Rizal. Bumibilis ang pintig ng aking dibdib. Di ko maunawaan. Isa lang ang alam ko. Yun ang tanging paraan upang makapagtrabaho ako sa ibang bansa. Syempre naman nais ko rin yumaman. Kung mananatili ako sa trabaho ko na iyon ay tiyak na hanggang doon na lamang ako. Kung may pag-unlad man siguro mabagal, matagal baka nga wala pa. Lord kayo na ang bahala sa akin, ang mga natitirang araw ay susulitin ko upang bigyan ninyo ako ng linaw kung tama ba ang gagawin ko. Kayo na po ang magdala sa akin sa tamang landas.