Sunday, January 29, 2012

Superman, Batman at Sponge Bob




Hindi ko natapos ang nirentahan kong cd. Sayang ang pera. Nakakabagot ang Sabado at Linggo ko. Sa di maunawaang dahilan ay laging mabigat ang pakiramdam ko tuwing walang pasok. Naguguluhan din ako sa misa kanina, di malinaw sa akin ang sinasabi ng pari. Samantala, iniwasan ko muna ang fiesta ng Don Bosco sa dahilang masyadong marami ang tao at nag-iinuman.

Kasalukuyang nagtitipa ako at come what may kung ano ang maging kuwento ko. Syempre personal ulit. Maligoy ako magsulat sa dahilang may mga ilang paksa ako ng iniingatan na isulat. Hindi naman lahat kailangan kong isulat.

Masaya ako kapag Sabado at Linggo dahil pahinga, mas nakakapag-isip ako subalit iyon din ang panahon na kung anu ano ang pumapasok sa aking isip. Wala pa akong lesson guide bukas. Bahala na si Batman. Wala rin nagpaparamdam. Naging palamuti na naman ang telepono ko.

Lunes bukas, panibagong araw, sa susunod na Sabado at Linggo na naman ako libre para makapagtipa. Hindi pa malinaw sa akin ang estratehiya ko bukas para sa pagtuturo. Bahala na talaga si Batman, Sponge Bob, Superman at lahat ng mga paborito kong superheroes.

Wala akong natanggap ni isang mensahe sa telepono. Nakakalungkot.
Kamusta na kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya?
When to stop?
Kapag tumigil na ba, yun na ba ang sign na tumigil na rin ako?

Umuulan






Its raining outside and I'm thinking of you
I wish you feel the same way too
If only I could be beside you
Then I will take good care and embrace you

Saturday, January 28, 2012

Out of Goodbyes

Sunday morning nalulungkot ako. Weird. Ang aga ko nagising, nasanay na ata ang katawan ko sa ganitong routine. Kagabi ang ligalig ko sa paggawa ng blog tungkol sa papalapit na Valentines Day without realizing na part pala nun ay dapat kong iapply sa buhay. Sabagay ganun naman pag nagsulat ka, defense mechanism mo na hindi ikaw ang karakter sa sinulat mo.

Naiisip ko siya. Naiisip ko rin siya. Naguguluhan ako. May gusto akong tao pero hindi naman niya ako gusto. I'm doing my best para kahit papaano eh maipakita ko sa kanya na sincere ako sa kanya. Di ko alam if sinasabi niya lang ba na di siya panggirlfriend material at di ready sa mga ganung bagay dahil di talaga siya ready o talagang hindi niya lang ako gusto.

Sa mga ganitong panahon naiisip ko naman siya. What if di nangyari yun sa amin eh di sana happy ako today. Sana di na ako magveventure sa iba. Kaso nangyari na eh. Ewan ko di naman ako masamang tao. I need someone na who will be there for me through ups and down. Gusto ko rin naman magkaroon ng girl na magiging masaya kami tuwing magkasama. Yung tipong parang bestfriend lang. No physical contact, di hindrace sa pag-unlad namin, may tiwala sa isa't isa at alam namin na totoo kami at loyal sa isa't isa. Wait bakit kami? Sino yung isa? Narealized ko na AKO LANG PALA.





Sa Papalapit na Valentines Day

Sa totoo lang ay kanina pa ako nag-iisip na paksang iboblog sa araw na ito. Gusto ko kasing maiba naman dahil puro personal na kuwento ang nasa blog ko na ito subalit dahil sa isang kaibigan na nagpost ng pagkabigo sa pag-ibig sa facebook ay napagpasyahan ko na magblog tungkol dito.

14

Pebrero na naman at papalapit na naman ang Valentines Day. Marami na naman ang inlove. Nagkalat na naman ang magkasintahan na holding hands while walking. Ang iba ay may hawak na bulaklak, ang iba ay tsokolate at ang iba naman ay masayang nagdadate habang ikaw ay nagmumukmok sa isang sulok at walang kasama. Wala kang kasama sa dahilang maaaring single ka o kaya naman ang mas masaklap ay iniwan ka ng inyong minamahal. Sa di inaasahang pagkakataon, sakto sa papalapit na Valentines Day.


And then suddenly for no apparent reason, everything fall apart.


Masakit talaga ang masaktan lalo na kung minahal mo talaga siya nang lubusan. Yung tipong binigay mo ang lahat at umasa ka na kayo ang magkakatuluyan subalit biglang sinubok ka ng tadhana at siya ay naglaho na parang bula, at ang masaklap sakto sa papalapit na Valentines Day. At dahil sa mas nangingibabaw ang iyong nasaktan na damdamin kasya sa iyong isip ay nakakagawa ka ng mga bagay na hindi tama. Maaaring ilan sa mga ito ang nasabi at naisip mo:


1. Life is unfair bakit ko dapat maranasan ito? (mas marami pa ang mas mabigat ang problema sayo)


2. Di na ako magtatrabaho, affected ang buong buhay ko! (magugutom ka, papayat ka, wala kang pambili ng damit, magiging pangit ka, di magandang revenge, in the end kawawa ka)


3. Magpapakamatay ako! (sayang ka, baka biglang dumating yung tamang tao para sa iyo eh kaso patay ka na, di mo na nakita)


4. Sana pwede pa ulit maayos, gagawin ko ang lahat magkabalikan lang tayo. (sige lang magpakatanga ka, gusto mo yan eh)


5. Lord galit ako sayo kinuha mo na ang lahat sa akin! (kunin na lang niya buhay mo gusto mo?)



Maaaring ilan lamang iyan sa mga nasambit mo na kataga na hindi mo naman talaga sinasadya, nagkataon lang na hindi ka nakakapag-isip ng tama at natatalo ka ng iyong nasasaktan at nabigong damdamin. Hindi ko sinasabi na mali ang iyong nararamdaman, maaaring sa iba ay katawa-tawa ka subalit para sa ikaw mismo na nakararanas ng sakit ay talagang ang hirap tanggapin.

I am in misery and there ain't nobody gonna comfort me

Kalokohan ang linyang nasa itaas, sapagkat sarado ang iyong isip dahil sa iyong pagkabigo ay maaaring naiisip mo ang katagang ito. Subalit saan ka naman tatakbo sa panahong masikip na ang dibdib mo at talagang hindi mo na kaya, sa pamilya mo at mga kaibigan mo rin di ba? Sila ba ang nobody? Tandaan mo na isa lang ang nawala sa iyo at hindi lahat kaya hindi mo masasabi na katapusan na ng mundo.


Narito ang ilan sa mga tips para makatulong na siya ay iyong makalimutan.

1. Makinig ka ng mga love songs, makakatulong yan na mailabas ang tunay mong damdamin. Irelate mo ang sarili mo sa mga lyrics hanggang magsawa ka.

2. Maaari ka ring manood ng mga movies na pangbigo, pwedeng 500 Days Summer, kung gusto mo pa ipilit na magkabalikan kayo pwedeng One More Chance, kung gusto mo talaga siyang mawala sa iyong isipan kahit panandalian manood ka ng Exorcist. Depende sa lagay ng iyong pagkabigo.

3. Umiyak ka, umiyak nang umiyak hanggang dumating yung point na pinipilit mo na lang umiyak.

4. Kung mataba ka pwede kang di kumain, ayos yun papayat ka pabor sa iyo at kung payat ka naman kumain ka ng kumain, mas okay yun, hanggat maaari wag mong gawin na pag mataba ka kakain ka ng kakain at kung payat ka di ka kakain. Talo ka dun.

5. Pwede mo rin balikan yung mga lugar na pinutahan niyo, pwede kang magemote dun paulit-ulit hanggang marelize mo na mukha ka ng tanga at pagod ka na.

Move Forward

On the serious side ayoko naman isipin ng mga babasa na ito na kalokohan lang ibinibigay ko na payo para sa mga taong nabigo na sakto sa papalapit na Valentines Day. Matapos mong pagdaanan ang mga nasa itaas na pinayo kong gawin mo ay ito naman ang sunod na maaari mong gawin. Syempre di naman habang buhay lagi kang nasa ibaba.



1. Gawing abala ang iyong sarili. Subukan mong ibalik ang mga bagay na dati mo mong ginagawa nung hindi mo pa siya nakikilala o kaya naman ay gawin mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa, pwedeng sports, pwede rin magfocus ka sa iyong trabaho. Marami pang option, ilan lang yan. Basta tandaan, gumawa ng mga bagay na makabuluhan.

2. Ayusin ang iyong sarili. Bentahe mo yan para mapansin ka ng ibang tao.

3. Magpatawad at kalimutan ang lahat. Bagama’t hindi ganun iyon kadali ay dadaan ka sa proseso na kailngan mong magpatawad. Hindi naman dapat habambuhay ay bitter ka. Sabi nga sa kanta, there’s a rainbow after the rain.

4. Huwag matakot sumubok muli. Sa mundo na mapaglaro, walang assurance. Kasama sa pag-ibig ang masaktan ka at mabigo. Tandaan, hindi mo malalaman ang kahulugan ng kasiyahan kung hindi mo pa nararanasanan ang masaktan

5. Magdasal. Pinakamagandang sandata sa panahong ikaw ay nabigo at nasasaktan.

Sa huli, kung ayaw mong maranasan to, wag ka na lang magmahal. Kung natatakot ka, matulog ka na lang. Pero masaklap talagang masaktan lalo na sa papalapit na Valentines Day. :D PEACE!

Monday, January 23, 2012

Chinese New Year!

Nasa Moa ako kahapon para sa Angels Walk, nakakatuwa, ang saya pala nun. Nagsimula sa warm up exercise na nakakatuwa ang mga steps. Ang dami palang advocates para sa mga specials. Napaisip tuloy ako kung itutuloy ko ba ang pag-alis sa department namin. Napapamahal na rin ako sa trabaho ko lalo na sa mga bata. Bahala na. Alam ko lahat ng nangyayari may dahilan.

Di tumutunog ang aking telepeno. Bagong-bagong pero nagmistulang palamuti. Sana tumunog at may makaalala man lang kahit qoutes. Galing ako kanina sa gym, sa bagong gym na ako nagtungo. Naninibago ako pero mas maganda at kompleto ang gamit kompara sa dating gym na pinuputahan ko. Dati kapag nagggym ako nahihiya ako pero ngayon wala na akong pakialam, as long na pinagpapawisan ako at may kaunting pagbabago sa katawan ko ay okay na.

Galing din kami ng mga kaibigan ko sa Binondo kagabi. Ang saya, maraming tao. Downtown ang dating. Bumili pa kami ng Munak Hat at kumain sa Eng Bee Tin. May mga bata na Chinese rin. Ang cute nila. Parang gusto ko tuloy magkaanak na Chinese. Mangyayari lang yun kung ang makatuluyan ko ay Chinese. haha!

Bigla kang sumagi aking isipan. Hindi ko alam kung bakit. Namimiss kita. Ganun naman lagi ang bukambibig ko. Pero totoo yun. Kung asan ka man mag-ingat ka palagi, alam kong masaya ka.

Alas osto na at maya-maya ay maliligo na ako. Maaga akong papasok bukas para di ako mahassle sa byahe. Hindi ko alam if magcocross ba ang path namin bukas. Kung oo man swerte ko. Kung hindi okay lang.

Marami akong gustong sabihin na hindi ko masabi sa personal dahil wala akong pagkakataon at ayokong maging weird sa paningin ng mga tao, lalo na sa iyo. Ilang linggo na lang gagraduate na ako. Para sa mama ko yun at ilang linggo na lang din ay Valentines Day na. Wala pa akong kadate. O baka ako na lang mag-isa umalis nun. Bahala na.

Goodnight Blogspot!

Saturday, January 21, 2012

Math

Wala naman bago ngayon sa akin bukod sa maraming papel na dapat ipasa na di ko maunawaan kung may dahilan ba talaga o gagamitin nila. Galing ako sa Divisoria kanina para bumili ng sample costume ng mga estudyante para sa Music Recital. Maraming tao, siksikan at mainit. Subalit alang-alang sa mga estudyante ko ay di ko ininda iyon. Kanina pa ako nagrerecording, pero sabog lagi ang tunog. Mas kailangan ko pa ata ng mas kulob at tahimik na lugar para sa recording ko. Masakit din ang lalamunan ko. Di ko alam kung bakit. Namimiss ko ang maggitara bakit kasi nasira pa ang gitara ko. Ay este kapatid ko pala ang nakasira di ako!

So ayun lang wala naman bago. Namimiss ko siya.


Saturday, January 14, 2012

Only if you could read my mind and feel my heart..


Pagod na pagod ako kagabi. Pagkauwi ko galing sa work, MOA at Divisoria ay napahiga ako agad sa kama. Nagtry ako manood ng TV pero di ko maintidihan ang Vampire Diaries. Mas more on nakalutang lang ang utak ko. May mga nagtetext din pero maikli lang ang sagot ko, di ko alam antok na antok talaga ako pero ayokong matulog. Pero syempre di ko napigilan, ayun tulog ako. Nagising na lang ako ng 2am para magsipilyo. haha! Ewan ko ba napakavain ko di ko kaya matapos ang araw na di ko nagagawa ang mga routine ko. Matapos nun tulog ulit at di muna kumain.

Ang aga kong magblog ngayon, aga ko rin kasi nagising. May lakad pa dapat ako kagabi. Niyayaya ako ng friends ko kaso nakatulog ako. Daming missed calls. (patay!) Sorry naman! :D Masaya naman ang ikalawang linggo ko sa pasukan. Yun nga lang may part na ewan, na dapat kong harapin.

Mahirap pala magpretend na kunyari wala kang nararamdaman kapag nakikita mo ang isang tao. Na kunyari di mo siya gusto. As much as gusto ko siyang makausap sa personal at ibalik yung dati na parang wala lang, Eh wala na natuldukan na. I'm missing the days that we are sharing thoughts and stories without asking if ano ba meron sa atin. Just a plain someone na happy sa isa't isa.

Di ko alam kung makakabawi pa ba ako sayo. Di ko rin alam kung magugustuhan mo pa ba ako. I sincerely like you. Kahit na alam ko partly umiiwas ka. Namimiss ko yung napupuyat tayo na masaya lang. Walang wall.

Kahit na magkausap pa rin tayo at nagpapansinan sa school may part pa rin sa akin na kapag nakikita kita eh parang may wall. Sana one day mawala yun, at makabalik tayo sa dati na wala lang. No pressure, just want to enjoy and be happy with someone. I'm willing to wait. Sana wag mo akong iwasan. :)

Sunday, January 8, 2012

9:27

For some reasoon di ko alam bakit hindi siya nagtetext. Baka busy. After ng lakad namin nung Friday nafeel ko na medyo naging cold siya. Good as saying na ba yun na magstop na ako? Di ko talaga mabasa ang isip niya. Ayoko muna magconclude since na bukas 1 month na rin ako nag-open ng feelings para sa kanya. Itatry ko ulit. But honestly namimiss ko siya. Di ko nga alam if sasama ba sa akin yun na mag-isa if ever na yayain ko. Hindi ko rin alam kung paano ko ba siya mapapaniwala na sincere naman ako, na kung mabibigyan lang ako ng chance. (sana) Sa ngayon I'm still hoping na magtetext siya. Pero kung hindi baka nga busy siya. Or baka tulog o kaya walang load. Di ko alam basta ang cold kasing cold ng panahon ngayon.

One month na rin pala ako nung magsimba sa BF, one month na rin ng bumili ako nun para sa kanya. Grabe ang bilis ng panahon. Pero sa one month na yun naging masaya naman ako. Di ko alam alam if ano ba talaga ang status ko. May pag-asa ba o wala. Ano mang mangyari may dahilan. Syempre nalulungkot din ako kahit papaano tuwing di siya nagtetext. Ewan ko nasanay lang ba ako o masaya talaga ako tuwing nagtetext siya at nafefeel ko na gusto niya akong makausap.

Baka after nito bumalik na naman ako sa dating ako. Playing my top 25 list. Going home early, sleeping and hoping for a brand new day. Dahil sa kanya may mga bad habits ako na nawala. Good side yun ngayon sa ibang side naman ewan ko, nagpapatugtog na naman ako ng malungkot na kanta.

Mahirap pala talaga makahanap ng tao na magugustuhan ka at matatanggap ka na kung sino ka. Itatry ko pa rin ngayon kung di talaga magclick, well ganun talaga buhay, malulungkot ako for sure kasi after 1 year ngayon lang ako ulit nagkagusto at makafeel na special sa isang tao. Yun nga lang baka next time takot na rin ako magventure.

Itatago ko na lang muna ang feelings ko sayo Ms. Headband, sigurado ako sa nafefeel ko sayo, di lang talaga ako sigurado kung sasaluhin mo ako. Ito na muna for today blogspot.


signing off.

Saturday, January 7, 2012

3 kings


Di ako masyado makatulog kagabi pero maaga pa rin ako nagising ngayon. Ang sakit kasi ng tiyan ko. Di ko alam kung may nakain ba ako na ewan. Anyway, magkukulong lang ako sa bahay at magpapahinga ngayon. Magtitipid din ako next week, bawal muna sobrang gala. Dapat makatipid ako, may, bibilin kasi ako.

Isang buwan na bukas na nagpaparamdam ako sa kanya, lalo kong nararamdaman na lumalabo. Sana may signs when to stop, medyo mahirap din kasi itago yung feelings tapos magpretend na friends kayo pero deep inside you want more than that. Weird.

Sabi ko aayusin ko profile ko pero tinatamad ako, so far epic pa rin ang design ko sa blog, sakto lang. Pero try ko pa rin as much as possible.

Kung hindi man siya si Paraluman, sana makita ko na siya and I will make her happy, mas masaya pa sa nagawa ko noon.

Sana magustuhan niya rin ako. X.X

Summer Song

Inaantok na ako pero mas pinili ko pa rin na magblog. Galing ng estudyante ko sa cover nya ng "Walang Iba" ng Ezrha Band. Ganda ng boses ni Luigi. Nagiging fan niya ako.

Galing kanina ako sa SM Southmall, namiss ko tuloy ang Megamall parang ganun din kasi ang ayos. Weird, sa ibang lugar na ako napapadpad. Bumili ako ng cellphone, di ko muna gagamitin, wala pa akong time mag-ayos at unawain iyon. Pero sana nga cool talaga yung phone na nabili ko.

Nakasama ko siya kagabi, ewan ko first friendly date namin sa SB? haha! Naglaro kami ng mahjong kahit na alam ko na inaantok na siya eh nagtuturo pa rin siya sa amin. May mga rules nga na nalilito ako pero pag nilalaro mo paulit-ulit makukuha mo rin ang flow. Di ako nananalo sa games, pero pasimple akong nakatingin sa kanya. Kala ko tahimik lang siya, di pala, medyo madaldal din siya, pero in a cool way naman. Ang ganda ng mata niya sa malapitan. Ginawa ko yung best ko para di mailang sa kanya, kasi nga friends kami. Naninibago ako, pero tama naman siya magstart kami as friends. Di ko alam kung talagang may chance ako sa kanya. Gusto ko siya ilibre ng food pero ayoko naman isipin niya na nanliligaw ako. Malinaw sa akin na friends (muna?) kami. Malabo. Pero sana nga mapasagot ko siya. Swerte ko lang talaga. Kung mangyari man yun gagawin ko best ko para mapatunayan sa kanya na sincere ako.

Mag-iisang buwan na rin pala ako nagpaparamdam sa kanya. 3 buwan kong tinago ang lihim kong pagtingin, ngayon nabunyag na. hehe! Sa six years ko sa work first time ko lang magkagusto at makafeel ng weird sa kasama ko. Di ko alam. Basta mat reason kaya siguro ganun ang sitwasyon.

Everyday gusto ko malaman ang status ko sa kanya sa paraan na di ako makulit. Sana talaga mapasagot ko siya.

Tulugan na!

Sunday, January 1, 2012

500 Dayssss

Okay another blog for today. Bakit kapag palabas ay 500 Days of Summer ay may nagtetext sa akin at nagsasabi na panoorin ko raw. Hindi ko alam pero natatawa ako kapag napapanood ko yun, in some point nakita ko sarili ko kay Tom. (noon) haha! Sino si Summer? Ewan ko ba weird mga tao. Gusto ko lang ipost yung dati kong post sa dati kong blog. Katawa lang eh, ito pala nafefeel ko nun sa movie. hehe!



I want to share these lines to my readers that made me teary eye, it is from the movie 500 Days of Summer. I hope I got the lines close to the movie. One of my favorite.



Tom: You never want to be anybody's girlfriend and your somebody's wife

Summer: It surprised me too

Tom: I don't think I'll never understand that, I mean, it doesn't make sense

Summer: It just happened

Tom: Right what I don't understand, what is happened?

Summer: I just woke up one day and I knew

Tom: Knew what?

Summer: What I was never sure of with you



AGUY! It hurts me too when I heard the last line. Like Tom, I also believed that it really sucks realizing that everything you believing is a completely a bullshit. It sucks! Destiny and soul mates, true love and all that childhood fairy tale, nonsense.

And now I have a choice, to be like Tom and wait for my Autumn or to be like Summer, that was never sure of anyone else and one day get married.

I'm counting the days before June ends and I will finally say goodbye to my first blog that taught me to live, love, hope, pray and believe. Thanks for teaching me how to write. Thanks for making my words into life. Thanks for all the memories we shared, for the laughter's, pain and happiness that lead us to be one.


haha! sarap balikan mga post ko nun. katuwa lang! ^__^