Sunday, July 31, 2011

Tatlong kuwento, hindi apat.

Global Pinoy

Ulan- (pang) tubig na namuo mula sa vapor sa atmospera at bumubuhos ng butil-butil sa lupa- UP Diksyunaryo


Sa tototo lang ay nahihiya akong kuhanan ang sarili ko sa larawang ito, hindi dahil sa napapangitan ako sa itsura ko bagkus ay mga tao sa paligid ko. Ngunit naisip ko, ano ba ang pakialam nila? Ang mahalaga ay wala akong ginagawang masama. Kaya iyan ang naging resulta, nagpacute, pumapayat daw kasi ako kaya ganyan ang itsura para magmukhang mataba,

Si Mina Choi at si Sir Yuan

Dalaw- png patungo upang makita ang isang tao, pook at iba pa- UP Diksyunaryo



Makalipas ang tatlong taon ay muling nagbalik ang dati kong estudyante mula sa Korea na si Mina Choi. Hindi ko inaasahan ang kanyang pagdalaw. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay naalala pa rin niya ako. Ayon pa sa kanya ako raw ang pinakahandsome teacher niya. Muntik ko nang patulan na totoo nga, naisip ko bata. Ngunit nagsasabi naman ng totoo (ata) ang bata. Malaki ang kanyang pinagbago, hindi ko na siya mamukaan. Hindi na rin siya ganun kahusayan magsalita ng Ingles. Sana isang araw ay makapunta rin ako sa Korea, sa North Korea. (para may thrill)

BMT Chart

Espesyal- pnr natatangi; hindi pangkaraniwan- UP Diksyunaryo

Sa totoo lang ay hindi ko maunawaan kung para saan pa ang chart na ito. Para raw ito sa behavior ng mga bata. Upang mas maging kaakit-akit sa aking mata ay este sa mata pala ng iba ay binili ko ang mansanas na ito. Espesyal sa akin ito sapagkat ang ganda niya. Yari siya sa tela at tiyak na magagamit ko ng pangmatagalan. Ngunit balik tayo sa aking punto ko sa chart na ito, habang tumatagal ay nakita ko ang bisa ng kapangyarihan nito. Napapasunod ko ang mga estudyante ko ngunit wala pa ring tatalo sa tingin. Makuha ka sa tingin.


P.S.

Agosto na bukas at tatlong buwan na rin ang nakalipas. Ang galing, daig pa ang BMT chart sa lakas ng kapangyarihan na taglay ng panalangin. Ang lahat ay napapagaling. Palagi ka pa rin kasama sa aking panalangin, na sana sa mga mapusok mong desisyon ay gabayan ka Niya. Nabura ko na ang lahat ng mga mag-uunay sa atin. At sa totoo lang naiisip pa rin kita minsan subalit wala na akong maramdaman. Malapit na rin ang kaarawan ko, sapat na sa akin na tingnan ang profile ng babaeng pinapangarap ko, iyon nga lang hanggang pangarap na lang sapagkat may kasintahan na siya.

Nasasabik na rin akong muling makita si Maria Clara! Pakiramdam ko tuloy ako'y si Simoun na nagbalik para sa isang misyon, ngunit hindi upang maghiganti kundi para magparty-party. :))

Ayokong seryosohin masyado ang buhay. Nakamamatay.

Namimiss ko na ulit ang mag-aral.

Gaya nga ng aking sinabi, sa estado ng pag-ibig, SARADO ANG AKING PINTUAN NGUNIT DI NAKAKANDADO.

Tuesday, July 26, 2011

Ang cute niya..

Bago ako maligo ay nais ko munang magsulat. Wala naman espesyal sa isusulat ko ngayon maliban sa walang pasok bukas at suspendido ang klase kanina. Iyan ang advantage ng pagiging isang guro, kapag may bagyo at walang pasok ang estudyante, wala ring kaming pasok. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang larawan niya. Nakasama ko na siya minsan. As in isang beses lang. Wala lang simple lang siya at ang cute magsalita. Gusto ko siya konti lang, as in konti lang. Di ko alam kung sasama ba ako sa Bohol may ticket na sila, ako wala pa. Naguguluhan pa ako. Kanina rin ay nagpunta ako sa SM Manila, ang daming tao, ang daming naglalakwatsa. Napadaan ako sa Globe, walang masyadong tao. Muntik na akong matukso para magpalinya, ngunit naisip ko di ko naman kailangan. Nagbukas na rin ako ng facebook ang resulta wala na akong inatupag maghapon kundi magfacebook. Bagamat malakas ang ulan sa labas ay pakiramdam ko ay wala sa hulog ang aking sinusulat. Basta kung ano lang ang aking maisip, yun na. Masaya ako ngayon, sapat na akong makita ang larawan ng bago kong crush. Konti lang naman as in konti lang. May boyfriend na siya pero wala lang ang cute niya. Sige yun lang at maliligo na ako.

Friday, July 22, 2011

Magandang Gabi Bayan!

Maaga akong gumising kanina ngunit para di pumasok kundi para buksan ang tv at manood ng balita. Namiss ko ata ang panonood ng tv sa umaga. Sa anim na taon ko na pagtatrabaho. Mas malayo pa ang byahe ko kaysa sa panood ko ng tv sa araw-araw. Totoo rin naman na masakit ang ulo ko kanina. Subalit totoo rin naman na wala lang gusto ko lang magpahinga. Gusto ko lang makita ang sarili ko na relax. Bithday ni Bea Lim kanina, magkatext kami. Sa tuwing siya kausap ko ayun pati ako nagsasalita ng English. Minsan nga kahit yung tinturuuan ko ng Filipino ay nakakalimutan ko na magsalita ng mas maraming Filipino kaysa sa English. Nadadala ata ako. Handa na rin ako na magbukas na aking facebook. Ang kaso may 24 hours pa ako na dapat hintayin. Nananawa na siguro ang facebook na kakadeactivated ko sa account ko. Pupunta rin ako sa Bohol sa September kasama ang mga kaibigan ko. Pero may pupuntahan din ako. haha! Umiikot ang mga paru-paro sa tiyan ko haha! Ang sagwa sa tenga. Umulan din kanina. Lalo akong nalungkot buti na lang nakakatawa talaga si Vice Ganda. Hmm. Ayun lang. Sana nga makapagbukas na ako ng fb para maexpose na ulit sa mga tao at mad dumami ang friends ko haha!

Saturday, July 16, 2011

Inaantok na ako.

Hindi ko ba alam kung itutuloy ko pa ang kalokohang proyektong pinagagagawa ko. Habang kumakain ako ng Cream O ay kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Hindi naging makabuluhan ang araw ko ngayon. Nakatingin lang ako maghapon sa computer at kung anu-anong site ang pinapasok ko. Ang daming trabaho ngayon sa Doha na fit sa qualifications ko. Meron din sa UAE, wala lang, gutso ko lang ishare, wala naman akong balak mag-ibang bansa. (sa ngayon) Natutuwa ako sa trabaho ko ang ayoko lang ay ang... Kung baka sa siste eh masyadong... Parang bang ang may-ari... Di ko rin maunawaan ang, masyadong makamata at kung ano pa. Di ko lang alam kung sino bang mga pesteng nilalang ang kumausap... (edited) Ooops nakakamamatay ang pagsulat. Kanina wala akong mapiling paksa, at napansin ko na hindi madulas ang aking dila. Ngunit dahil nailalabas ko na ang aking saloobin ay nagtutuloy-tuloy ang takbo ng aking isip. Ititigil ko na at baka may makabasa.

"Wala kayong karapatan na manghusga at magtama ng kapwa ninyo kung dapat rin naman na itama ang mga sarili ninyo."

Monday, July 11, 2011

Ikalawang kuwento: Hindi ka na niya mahal

Sulat-sulatan (liham, lihim at kung anu-ano pang
kuwento kapupulutan (ata) ng aral )

sulat png 1: liham 2: pagguhit ng likha ng lapis, bolpen at iba pang pansulat- pnd i-pa-su-lat, mag-su-lat, su-la-tan, su-mu-lat.

UP Diksyunaryo

Hindi ko alam kung matatawa ba ako maiinis sa pinagagagawa ko. Basta sa puntong tinitipa ko ito ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtuloy-tuloy. Tunay ngang makulay ang kuwento ng aking pag-ibig. Kahit naman sino ay dumadaan sa punto na nahuhulog ang sarili sa isang tao. Kusang dumarating ito at ibinibigay sa tamang oras at sa tamang panahon. At kahit na ito ay pigilan ay may tulay pa rin na magsisilibing daan para ang dalawang tao ay magtagpo ng landas.

Ang sulat na ibabahagi ko sa araw na ito ay liham ng dati kong kasintahan. Gaya na iba ay matagal na rin siyang namayapa. Sa dahilang ang lahat ng mga tao na naging bahagi ng aking nakaraan ay hindi ko lamang kinakalimutan bagkus ay ibininabaon ko pa sa limot. Bilang bahagi pa rin ng proyekto ko (na alam ko namang hindi ako kikita) ay isinama ko na rin siya. Hindi natin alam, malay natin sa pagdating ng araw ay makilala ako at gawan ng pag-aaral ang pag-ibig ni Yuan.

Balik tayo sa usapan ng pag-ibig. Hindi mo mawari ang kakaibang ligaya na hatid nito lalo na't kapag kasama mo siya. Gaya ng iba ay posturang-postura ako lagi sa tuwing nakikita ko siya at hanggat maaari ay pipilitin kong hindi agad-agad na umulit ng mga damit na susuotin sa tuwing kasama siya. Pinaliliguguan ko rin ang aking sarili ng pabango, lalo na sa bahagi ng leeg para pag napasandal siya ay tiyak na mahuhumaling siya sa akin. Pabangong babae ang pinipili ko sa dahilang naniniwala ako na mas magiging malapit ako sa kanya. Pinupuno ko rin ang utak ko ng kaalaman lalo na sa mga bagay na interasado siya. Kahit na hindi ko ito trip, aaralin ko para lamang sa kanya.

Minahal ko siya ng lubusan at minahal niya rin ako. Ngunit isang araw ay natanggap ko ang liham na ito. Hindi ko malaman ang dahilan kahit malinaw naman sa sulat ang dahilan. Wala naman akong ginawa sa kanya na alam kong hindi niya magugustuhan. Sa katunayan, ibinigay ko sa kanya ang lahat ng aking kayang ibigay. Hindi ko makita kung saan ako nagkulang.

Hanggang isang araw ay nabalitaan ko na gaya ng ibang babae ay nangati rin siya. Hindi siya nakatiis kaya kinamot niya ito ng kinamot hanggang nakita niya ang sarili niya sa kandungan ng iba. Iyon pala ang tunay na dahilan. Lubha akong nasaktan at lumuha ang kalangitan. At nang gabing iyon ay nagpasya ako na kalimutan siya.

Makalipas ang ilang buwan, nagbalik siya ngunit hindi na niya ako matagpuan.

Saturday, July 9, 2011

Sulat-sulatan (liham, lihim at kung anu-ano pang kuwento kapupulutan (ata) ng aral )


Sulat-sulatan (liham, lihim at kung anu-ano pang
kuwento kapupulutan (ata) ng aral )

sulat png 1: liham 2: pagguhit ng likha ng lapis, bolpen at iba pang pansulat- pnd i-pa-su-lat, mag-su-lat, su-la-tan, su-mu-lat.

UP Diksyunaryo


Matagal ko nang naisip ang ideyang ito subalit ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na maisakatuparan ang proyektong ito. Proyektong alam kong hindi naman ako kikita ng salapi ngunit sapat na ang mabasa ako ng sinuman na nais magbigay ng panahon sa blog ko. Ito ay kalipunan ng mga liham na ibinigay sa akin ng mga taong naging bahagi ng aking buhay. Mga tao na naglaan na oras at panahon upang ipakita at ipadama ang kanilang pagpapahalaga sa akin. Bilang ganti ay pumili ako ng ilan sa mga liham na nais kong bigyan na kuwento at ibahagi sa lahat.

Sa kabilang dako ay naumay na rin ako sa mga kuwentong kabiguan na pinagsusulat ko, kaya nagpasya ako nga mag-isip naman ng iba. Ngunit isang paglilinaw lamang na hindi pa rin mawawala rito ang mga kuwentong pag-ibig sa halip ay bibigyan ko lang ng ibang panlasa ang aking mga mambabasa (kung mayroon man) Umaasa pa rin ako na isang araw ay may makakapansin sa akin at bibigyan ako ng pagkakataon na makasulat at mabasa ng mas nakakarami. At siyempre lubos ko ring ikakatuwa kung makikita ko ang sinulat ko sa National Bookstore.
Hindi ko na hahabaan pa ang introdusiyon ko. Huwag mahiyang mag-iwan ng komento, suhestiyon at kung ano ang nasasaloob mo. Malayang pumuri, pumuna at bumatikos. Iyon nga lang bawal ang basurang salita. Sige kapit na at basahin mo ang unang bahagi ng sulat-sulatan.


SI ABDON M. BALDE JR. at iba pang mga manunulat

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala siya nang maglakas loob ang isa kong estudyante na imbitahan siya sa paaralang tinturuan ko. Hindi ko inaakala na magagawa iyon ng estudyante ko sapagkat alam ko na ang katulad nilang mga kilalang manunulat ay abala at walang panahon para sa mga malilit na tao na tulad namin. Subalit ang lahat ay nagbago ng tumambad sa aking mga mata ang kanyang kabuuan ng sorpresahin ako ng estudyante ko para sa kanyang pag-uulat. Hindi lingid sa buong klase na paborito ko si Abdon M. Balde Jr. Nagsalita siya sa harapan ng klase at ultimo ang mga estudyante ko ay namangha sa nakita nilang manunulat. Madalas kasi na puro larawan lamang ang aking ipinapakita subalit sa pagkakataong iyon, ay nakakita sila mismo ng isang tinitingalang manunulat.
Inakala ko na matatapos na ang lahat sa araw na iyon ngunit nagulat ako ng imbitihan niya ako sa book launch ng kanyang bagong libro na 100 kislap. Agad ko namang inilagay ito sa aking kalendaryo at nangako sa sarili na hindi ko palalagpasin ang araw na iyon. At sa araw nga na iyon ay nabigyan ako ng pagkakataon na mapanood siyang magsalita sa harap ng mga tao at mabigyan ng autograph.



Nakakatuwa na mabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng munting sulat mula sa isang iniidolo ng isang hamak na tagahanga lamang. At dahil na rin sa maliit ang mundo ay nakita ko rin sa nasabing book lunch sina, Virgilio Almario (National Artist) Vim Nadera at Vlad Gonzales. At gaya ni Balde ay nabigyan din nila ako ng authograph.



Sa totoo lang ay binili ko lang ang libro para sa kanilang mga pirma subalit hindi ko naman talaga ito balak basahin. Sa pamagat pa lang ay Homo-erotiko, tiyak ako na kakaiba ang nilalaman nito. Ngunit dahil ayoko na masaktan ang kanilang mga damdamin ay sinubukan ko naman talaga itong basahin ngunit di ko lang talaga matake ang nilalaman.

Balik tayo kay Balde, ang libro naman niya na binili ko nung araw na iyon na 100 kislap ay binasa ko. Ang husay at malinaw ang mga mensahe subalit may isang bahagi sa kanyang libro na pumukaw sa aking mga mata. At dahil sa likha niyang iyon ay muling nagsimulang lumuha ang aking langit.


Mula sa 100 Kislap, Abdon M. Balde Jr.
PAGKAPARIWARA

At maaliw ka
sa malalanding kariktang
masusumpungan sa masalimuot na daan
ng paglalagalag.

At mabubura sa alaala- parang ulop na pinawi
ng maalinsangang bukangliwayway-ang
iyong pangako sa isang naghihintay sa
malayong kabihasnan.

At siyang iniwan mo ay mabubuhay sa bingit
ng panahon, maglulunoy sa mababaw na pag-asang
tutupad ka sa pangako.

At mananatili siyang nakahilig sa pagitan
ng payak na kapayapaan at walang
katuturan lumbay.

At mamumulat ka, isang dapithapon, mula sa
hungkag na pangitaing may larawan ng kanyang
mukha, na di mo mawatasan kung nakatingin sa iyo o
nananalamin lamang sa kaitiman ng iyong mga mata.

At magigising ka sa katotohanang siya lamang talaga ang minamahal mo sa iyong buhay.

At magpapasya kang muling matalunton sa landas
pabalik sa kanyang puso.

At saka mo matutuklasa na HINDI KA NA NIYA MAHAL. (pahina 9)

Mapapansin na naka-bold ang ilang linya. Linya na tagos sa aking puso at pakiramdam ko ay may pinatutungkulan nang ilagay ko ang sarili ko sa mismong kuwento. Lalo na ang pinakahuling bahagi.

Sa ngayon ay mananatili pa rin sa isa sa paborito kong manunulat si Abdon M. Balde Jr. (bukod kay Bob Ong. At ito ang unang sulat na nais kong ibahagi. Sulat mula sa aking idolo.

Abangan ang susunod na liham na hahanguin ko sa huling linya ni Balde at bibigyan ko ito ng pamagat na HINDI KA NA NIYA MAHAL.


Monday, July 4, 2011

10:02 pm

Bago ako matulog ay nagpasya akong bisitahin ka muna muli Blogspot. Nagpaalam na ako kanina sa aking livejournal. http://yuuan.livejournal.com/ Nakakalungkot man isipin ngunit kailangan nang magpaalam sa kahapon. Sabi nga ng awitin ng Sugarfree ay magpapaalam na sayo ang aking kuwarto. Sa blog na ito nagsimula ang aming kuwento, ayun nga lang tinatamad na akong muling balikan ang kuwento namin. Paulit-ulit lang kasi. Sa kabilang banda sana ay wag na niya akong gambalain pa. Ano naman ngayon kung board exam mo? Kahit naman di mo hilingin sa akin na ipagdasal kita ay lagi ka namang kasama sa panalangin ko. Lahat kayo, kaibigan man, nananakit man sa akin o hindi, kasama kayo. Bukas ay handa na akong pumasok at harapin ang mga estudyante ko. Di ko alam kung namiss ba nila ako. Kung hindi man okay lang naman. :)) Ang baho ng kalidad ng sulat ko ngayon. Sa di mawaring dahilan. Ewan ko.

Mensahe mula sa Telepono



"Speaking of aalis na ako this December, pero babalik din ako after 5 months, magpapartime jobe muna ako dun sa tita ko, tapos babalik ako para magtake ng NCLEX dito sa Pinas. Di naman pala ako for good dun agad. It will take time."


"Kinakamusta ka ni mama, sabi nya nag-iba ka raw ng number."


"Sa araw-araw iniisip ko ginawa ko, naiisip ko kung pano kita sinaktan at niloko, pano ko sinaktan ung totong taong nagmahal at tinanggap ako, inalagaan ako, tinrato akong special at importante, kaya ang karma ko ngayon nasasaktan ako sa nangyari sa akin. Dahil nagkamali ako. If only kaya kong itama ang lahat. Pero hindi na may lamat na, sobra na nagawa ko sayo."


"Yuan, don't reply, I just feel sad and pressured"


"Nasa St. Jude ako kanina, because of you natutunan ko
un, pls pray for me tomorrow kahit alam kong wala na akong karapatan para hingin yun sayo. Goodnight."


"Last day tomorrow, wish me luck goodnight!"


"Tapos na test, result na lang.. blessed Sunday to you. Thank you."


Mas maraming drama, mas marami akong masusulat. Mas maraming pain and happiness mas gaganahan ako magsulat. Pagkatapos ng mga mensahe nito ay di na siya muling nagparamdam, pakiramdam ko kinasangkapan na naman ako para sa sariling kapakanan. Dibale sanay na ako. Wala na akong maramdaman. Sabi ko nga sa kanya "Please layuan mo na ako". At dahil inaantok na ako matutulog na ako.

Lunes ngayon, lets enjoy life :)

Nauubusan na ako ng kuwento. Sabi nga ng isa kong co teacher, mas magiging manunulat ka raw kapag maraming pain at bitterness sa puso mo. haha! Nakakatawa pero para sa akin partly yes. Ayokong maging purista sa pagusulat ko ngayon. Come what may ika nga nila. Unti-unti ko na rin natatanggap ang mga nagyayari kahit na alam ko sarili ko na may bahagi pa rin na umaasa ako. Anyhow, nawala na ang malakas na ulan, senyales na rin ba ito na muli nang sisikat ang araw? Sana nga sikatan na ako ng araw, ng pagbabago at ng pag-asa. Kasalukuyan kong katabi ang aso namin, tahimik lang siya habang ako naman ay maingay sa pagpapatugtog ng foreign songs. Bukas handa na akong pumasok kahit ayoko pang gumalaw, ang mas mahalaga sa akin ngayon ay nakapagpahinga ako ng mabuti. At ang lakas na ito ay gagamitin ko hanggang Biyernes. Sana may magbukas na pagkakataon sa akin para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sunday, July 3, 2011

:)

Next 2 You by: Chris Brown Ft. Justin Bieber –

[Chris Brown]
You’ve got that smile,
That only heaven can make.
I pray to God everyday,
That you keep that smile.

[Justin Bieber]
Yeah, you are my dream,
There’s not a thing I won’t do.
I’ll give my life up for you,
Cos you are my dream.

[Bridge]
And baby, everything that I have is yours,
You will never go cold or hungry.
I’ll be there when you’re insecure,
Let you know that you’re always lovely.
Girl, cos you are the only thing that I got right now

[Chorus]
One day when the sky is falling,
I’ll be standing right next to you,
Right next to you.
Nothing will ever come between us,
I’ll be standing right next to you,
Right next to you.

[Chris Brown]
You had my child,
You make my life complete.
Just to have your eyes on little me,
That’d be mine forever.

[Bridge]
And baby, everything that I have is yours
You will never go cold or hungry
I’ll be there when you’re insecure
Let you know that you’re always lovely
Girl, cos you are the only thing that I got right now

[Chorus]
One day when the sky is falling,
I’ll be standing right next to you,
Right next to you.
Nothing will ever come between us,
I’ll be standing right next to you,
Right next to you.

[Bridge]
We’re made for one another
Me and you
And I have no fear
I know we’ll make it through

One day when the sky is falling
I’ll be standing right next to you
Ohh ohh ohh ohhhhh

[Chorus]
One day when the sky is falling,
I’ll be standing right next to you,
Right next to you.
Nothing will ever come between us,
I’ll be standing right next to you,
Right next to you.

Oh nah nah
Oh yeah
Stand by my side
When the sky falls
Oh baby
I’ll be there

You’ve got that smile,
That only heaven can make.
I pray to God everyday,
To keep you forever.



Mayday

Pagod na pagod ako nitong linggo. Ang daming trabaho, bukod sa wala akong bakanteng oras sa trabaho ay gamit na gamit ako hanggang Sabado. Masaya ang trabaho ngunit sadyang nakakapagod. Minsan nga naiisip ko sapat pa ba yung pinapapaguran ko sa dahilang ang liit ng kinikita ko. Kakasuweldo lang pero ubos na agad. Sa pamasahe at layo pa lang ng trabaho ay talo na ako. May bahagi rin sa akin na nalulungkot ako. Gusto ko ng isang tao na makakasama ko at mapagkakatiwalaan ko. Tuwing nararamdaman ko naman iyon. Ito naman pagpaparamdam ng isa. Di ko siya maintindihan kung bakit kailngan pa niyang sabihin na magboboard exam na siya. Di na lang ako nagrereply pero sa isip ko, goodluck kaya mo yan! Pwede na rin ako magbukas ng Facbook account ko pero nasanay na ako na wag na lang. Masyadong magulo ang mundo roon at napapakialamanan ang personal mong buhay. Nakakatamad talaga gumalaw kahit sa sarili ko alam kong marami pa ako matapos.

Sana ng amay dumating ng bagong tao sa buhay ko.