Friday, June 10, 2011

Papa Jack :))

Agam-agam

Pilit kong hinahanap kagabi ang posiyon na makapagbibigay sa akin ng kaginhawaan upang makatulog nang mahimbing. Sa kasawiang palad, ako ay nabigo. Nakapikit lang ang mga mata ko subalit ang puso at diwa ko ay gising. Di ko pa rin makatkat sa aking isipan ang mensaheng ipinadala sa akin ng isang kaibigan. Di ko mawari kung ano ba ang pakay niya. Nais ba niyang ipamukha sa mga malalapit sa akin na siya ang dati kong nakaraan o nakikipagkaibigan lamang? Nais ba niyang ilantad sa mas nakakarami ang tunay na siya. Di ko alam. Bakit hindi ka na lang lumugar sa alam mo na mas tama at ikatatahimik ng lahat. Sumama ang loob ko.



Ikinubli ko ang luha sa aking mga mata
Subalit sumilip pa rin ang at pumatak nang paibaba
Ang pintig ng aking puso ay sinbilis ng iyong pagkawala
Ano ba ang ginawa? at pinapasakitan ako nang sobra




Pag-asa

From: Demeterio, Dr. Feorillo

Yuan, pwd ba tayong magusap mamya pm tungko sa tesis mo? D kc ako pupunta sa dlsu bukas.


Isang mensahe ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Inaamin ko napangiti ako ng mensaheng ito. May pakialam sa akin ang tagapayo ko. Inaamin ko marami akong pagkukulang sa mga pinagagawa niya. Masyado akong naapektuhan ng mga maling akala kaya kahit ibang tao ay di ko napapansin na naapektuhan ko na rin pala. Wala akong ipapakitang papel. Ang pinaaayos niya sa akin ay di ko ginawa. Sapagkat nawalan na ako ng pag-asa. Lalo na nang malaman ko na ang isa sa panelist ko ay nasa Amerika. Subalit dahil sa siya ang unang nagtext, pupunta ako kahit nakakahiya.




Mukhang tanga si Lebron


Tabi-tabi po sa tagahanga ng Miami. Opinyon lamang walang personalan. Ang init ng labanan sa pagitan ng Miami at Dallas. Wala naman talaga akong paborito sa kanila, ang pakay ko lang ay malaman kung totoo ba na mahusay si Lebron James sa ibang aspeto ng husay ni Michael Jordan. Di ko naman nakita. Ni di nga makakilos sa tatlong bantay niya, di tulad ni Jordan noon, halos lahat ng galaw tiyak na mamamangha ka. Nanalo ako Dallas, pati ako nakisaya.





Sa La Salle

Maulan sa labas, kayat pagbaba ko sa Lrt ay tumakbo ako agad papasok ng Pamantasan. Kinuha ang i.d. pumasaok at di nakapasok. Expired na pala ang i.d. ko. Nakakahiya. Iniwan ko ang i.d. ko sa card at pumasok, dala ko ang kahihiyan na haharap ako sa tagapayo ko. Sa labas pa lang ng kanyang pintuan narinig ko na ang boses niya sa aking likuran. Hinahanap niya ang papel ko (hard copy) wala akong maipakita. May halong pang-uuyam ang sinabi niya, "syempre wala kang dalang papel." Maya-maya pa ay positibo naman, kaunti na lamang at matatapos ka na sabay biro na naman na, "tapusin mo na ang tagal mo na rito, sawa na ako sa iyong mukha." Natawa kaming pareho at natuwa naman ako sa kanya sapagkat may pakialam siya. Ipinaliwanag ko na sa ikalawang termino pa ako maaaring magdepensa, naunawaan naman niya. Dalawang linggo mula ngayon muli kaming magkikita.




MRT, ang Shang rila at Mega Mall

Nagpasya akong magtungo sa Shang at Mega hindi upang sadyain siya bagkus ay upang bumili ng bagay na kakailanganin ko na nasa Shang lang makikita. Di ako nabigo at nakabili ako agad, may freebies pa. Ayos. Matapos nito ay nagtungo ako sa Mega, bumili ng aksesorya para sa netbook ko, sa pasukan dadalin ko siya. Bumili rin ako ng mga makukulay na papel para sa pagtuturo ko. Dumaan sa simbahan sa loob ng Mega, naglibot, kumain at sa huli ay bumili ng bagong libro.



Malamig

Hindi na siya nagparamdam, umiwas na ata. Mas maganda sanang sinarili ko na lang. Di bale, parang malakas lang na ulan yan. Kahit gaano ba ang bagyong dumating sa iyong buhay. Huhupa din yan. Basta manalig sa sa Kanya.


Simula noong isang araw ay sumumpa na ako sa aking sarili na hindi na ako muling iibig sa isang nars. Hindi na rin ako iibig sa tao na ang buhay ay nasa ibang bansa. Hindi na, hinding-hindi.


No comments:

Post a Comment